May 26, 2009
Dingdong Dantes Denies MGD Tattoo
I could feel my few remaining brain cells slowly dying while reading the article below. Why can't these celebrities just say yes or no to a question? DO they think fans are as stupid as they are? Okay, I'm not going to say anything else because I love Dingdong and Marian. Not since the Guy and Pip and Vi and Bot loveteams has a couple made a kilig.
I'll give Dingdong a pass on this one. He's probably drunk to his gills during the interview.
Story after the jump.
During the victory party for Manny Pacquiao last May 22, at the Renaissance Hotel, Dingdong Dantes denied having a tattoo of Marian Rivera's name on his ankle.
Kamakailan ay nabalitang nagpa-tattoo raw siya. Alibata (alpabeto ng sinaunang Pilipino) raw ang sabi ni Dingdong sa mga nakakita ng tattoo niya.
"Hindi, wala akong sinasabing Alibata siya. Wala akong sinasabing gano'n," tanggi niya.
Kung hindi niya sinabi 'yon, kanino nanggaling ang deskripsyon na Alibata nga ang tattoo niya?
"Hindi ko alam. Basta wala akong sinasabing gano'n," paglilinaw pa ni Dong.
Pero ayon sa mga nakakita, "MGD" raw ang tila basa sa tattoo niya. Ano nga ba ang ibig sabihin ng MGD na 'yon?
"Kanya-kanyang interpretasyon, e. Yung tattoo, minsan nakikita ko, minsan hindi, e. Pero tuwing nakikita ko, may iba't ibang sinasabi sa akin, e. May araw sinasabi sa aking...aaah...'May Ginto Dito.'"
Yun na nga ba talaga ang ibig sabihin niyon?
"Depende. Paiba-iba. Tuwing linggo-linggo, nag-iiba ang meaning. Minsan hindi ko makita, minsan nakikita ko. Ganun-gano'n," pagdadahilan pa ni Dingdong.
Pero nang tanungin ng PEP kung para kanino ba ang pagpapa-tattoo niyang 'yon, nag-iba ng statement ang Kapuso hunk.
"Wala naman akong sinabing nagpa-tattoo ako, e," ani Dingdong.
Paalala sa kanya ng PEP, may lumabas kasing balita na nagpa-tattoo nga siya at may nakakita pa.
"E, yun nga, minsan may nakikita ako, minsan wala. Maybe it's all just my imagination. Ha-ha-ha! Okey na yun. 'Wag na nating pag-usapan yun," pagtatapos na lang ni Dingdong na ikinalito ng PEP.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment