July 13, 2009

Blind Items: Your Guess Is As Good As Mine


Blind item from my favorite entertainment writer, Cristy Fermin, from the tabloid Bulgar.

Kontrobersyal na akres pamangkin ang pakilala na itinatago sa probinsya


Bago pa sumali sa isang pa-contest ang kontrobersiyal na aktres, meron na siyang anak. Alam ng mga tagaroon sa kanilang lugar ang totoo, wala siyang maitatago, dahil kalat na kalat na dun sa probinsya nila ang pagiging nanay niya.

Kung totoo ang kuwento ay magaling magdala ang aktres, napakaganda ng kanyang katawan, maraming magdududang meron napala siyang anak dahil sa kanyang kaseksihan na hinahangaan ng marami.

Ang dami dami naming paraan ng pagpapasexy ngayon. Pati magaspang na balat, namamagic na ngayon. Hindi naman ganyan dati ang katawan, pero dahil sa mga salamat po, doctor, maraming milagrong nangyayari.

Siguradong ide-denay ng kontrobersiyal na aktres na ito ang rebelasyong ito, pero hamon ng source at pumunta sa lugar na pinanggalingan ng aktres.

Pamangkin daw kung ipakilala ng aktres ang kanyang anaka, magkapareho sila ng sinasabi ng isang aktres-TV host na may anak na rin, pero ayaw din nitong umamin.

Clue: napaka kontrobersiyal nya ngayon, wala siyang kasingkontrobersiyal ngayon. Sige, hali-halili nating hulaan kung sino siya.

My guess is Katrina Halili? Currently controversial and the the word "hali-halili" in the article is a dead giveaway.

No comments:

Post a Comment