June 21, 2009

Dingdong Dantes Is Marian Rivera's Personal Trainer


Sa unang pagkakataon, nag-enroll sa gym ang seksing aktres na si Marian Rivera para tiyakin na nasa kondisyon ang kanyang katawan para sa susunod na proyekto sa Kapuso Network na "Darna."

Sa "Chika Minute" portion ng "24 Oras" ng GMA News nitong Biyernes, lumitaw na nagsisilbing personal trainer ni Marian sa gym ay walang iba kundi ang napapabalitang nobyo nito na si Dingdong Dantes.

Hindi naman itinago ng dalaga na si Dingdong nga ang nagmimistulang personal trainer niya sa gym kaya naman tila inspirado ang bagong Darna.

"Ok lang yun kung ikagaganda 'di ba, bakit hindi," pahayag ni Marian tungkol sa kanyang pagpasok sa gym.

Inamin ng aktres na nahirapan siya sa unang paggi-gym sa kanyang buhay. Bukod kasi sa pagpapanatiling nasa kondisyon ang kanyang katawan, matindi rin ang training na ginawa ni Marian sa martial art at paggamit ng harness para sa mga action at flying scene sa "Darna."

"Okey naman pero lahat naman siguro nang nag-gym sa una nahirapan talaga e," paliwanag ng aktres.

Minsan na rin ikinuwento ni Marian na si Dingdong din ang nagturo sa kanya na gumamit ng petroleum jelly sa katawan at binti bago magsuot ng harness upang hindi mabugbog ng husto ang kanyang balat.

No comments:

Post a Comment