July 8, 2009

Blind Items: Your Guess Is As Good As Mine


Time for a new blind items courtesy of my favorite reading material, Bulgar!

Guwapong Model-Actor, Nakahiga sa Salapi Dahil Hawak ng Milyonaryong Gay Businessman



Puring-puring ng isang grupo ng mga negosyante ang isang actor na hindi na gaanong aktibo sa showbiz ngayon.

Mula sa ibang bansa ay ditto na nanirahan ang gwapong actor. Masigasig siyang magtrabaho kahit pa kung tutuusin ay hindi na nya dapat gawin yun dahil hawak siya ng isang makapangyarihan at milyonaryong gay businessman.

Siya and pinaka-love ng gay businessman. May mga nakakachurvahang ibang lalaki si gay businessman pero si actor ang talagang mag hawak ng puso ng gay businessman.

Maraming dahilan kung bakit siya ang tinuturing na true love ng gay businessman. “Hindi kasi siya user. Imagine, nakahiga na siya sap era, hindi na niya kailangang mag-work dahil kahit anong magustuhan nya eh ibinibigay nung gay millionaire.

Meron siyang mga credit cards; pwedeng pwede niyang gamitin yun sa pagsho-shopping dito at sa ibang bansa, pero palaging nasho-shock ang gay businessman dahil hindi nya yun ginagamit.

Meron na siyang negosyo ngayon, siya mismo ang namamahala sa business nya. Successful siya sa pinasok nyang linya, ginamit nya sa magandang paraan ang mga biyayang ibinibigay sa kanya nung gay businessman.

Clue: Maraming kapangalang artista ang actor na ito, isa na rito ang kontrobersiyal na batang actor na hanggang ngayon ay kabangayan ng ina ng kanyang anak. Hindi na siya PG... repeat, PG!

My guess is Patrick Guzman? Former model-actor, namesake of the actor who is still not seeing eye to eye with his baby mama.

Byuting Aktres, Akala Jackpot Na Sa Rich Na Mister, Di Pala Makakahawak ng Pera

Sa isang umpukan ng mga artista at production people ay ang byuting aktres ang naging paksa nung minsan, naaawa sa kanya ang mga nandun, dahil nagkamali ang marami sa pag-iisip nung magpakasal siya dun sa isang mayaman at kilalang pigura sa linyang kinabibilangan ng lalaki.

Ang akala ng marami ay datung lang ng lalaki ang habol ng aktres. Maling-mali dahil kanya kanya pala sila ng pera, hindi pala generous ang pinakasalan nya.

Okay lang sa lalaki na mamili siya ng mamili ng mga personal na kagamitan nya, basta pera lang nya ang kanyang gagamitin, hindi ang pera ng asawa nya.

Nagsimula ang kuwento nung minsang may pumasyal na nagbebenta ng mamahaling bags sa set ng isang teleserye kung saan kasama ang aktres. Daang libo ang halaga ng isang bag lang, meron pang milyon ang halaga.

Sinabihan ang aktres ng “ikaw na ang bumili nyan, ang yaman-yaman naman ng asawa mo.”

Pero nagulat ang mga nandun dahil sa sinabi ng aktres habang nakasimangot “Naku, yun pa? Kahit nga bag na nabibili sa Divisoria, hindi ako binibili nun! Kung may gusto akong bilhin, pwede kong gawin yun ang hindi nagpapaalam sa kanya. Basta pero ko lang ang gagamitin ko.”

Pati sa pagpapa change oil ng car ng aktres, ang babae pa ang kailangang magbayad. Ang katwiran ng lalaki, siya ang gumagamit ng car sa pagtatrabaho nya, kaya siya ang dapat gumasto dun.

Pero responsible naman ang lalaki, lahat ng needs sa bahay, siya ang sumasagot. Pang-grocery, pambayad sa mga maids, etc.

Pero pagdating sa luho ng girl, wala siyang pakialam.

Clue: Naiiingit nga ang aktres sa sister nya, magarbo ang damit nun, puro branded. Kaya kapag may bonggang party silang pupuntahan ng husband nya, nanghibiram lang siya ng bonggang gamit sa kapatid nya.

Tunog wine ang apelyido ng magandang aktres na bida sa kwento. Ka-apelyido naman ng isang sikat ng singer ang mister nya.

My guess is Assunta de Rossi. Rossi brand name and has a sister, Alessandra, who is also an actress.

No comments:

Post a Comment