April 24, 2009

Blind Items: Your Guess Is As Good As Mine





Blind items from my favorite showbiz writer Cristy Fermin via my favorte read Bulgar:

1. Totoong-totoo pooohhh...

Sa isang probinsya na di kalayuan sa Maynila, naimbitahan ang isang komedyante sa piyesta. Dun sa bahay na kinainan nila merong isang matandang babae na inirerespeto ng lahat. Naglambing ang matanda na roon kumain sa mesa niya ang komedyante.

Ang dami daming nakarinig sa sarkastikong comment nung komedyante, "Juice ko, para alimango lang, kailangan ko pang lumipat dun para lang ako makakain."

Natural maraming nagulat sa komedyante dahil sa kawalan nya ng konsiderasyon. Matanda na yung nag-imbita sa kanya, lumalambing lang naman, pero ganun pa ang sasabihin nya?

Nung nagpe-perform na si komedyante, walang gaanong pumapalakpak sa kanya, kumalat na kasi ang kuwento tungkol sa di kagandahan nyang ugali. Inilampaso siya ng isang kasamahan niyang komedyante (na ang pangalan ay posisyon ng isang politikong sumusunod sa mayor), kinabog talaga siya.

2. Akres kapit sa patalim, pokpok sa foreigner, $2,000 kada dyug

Nasa lobby ng isang hotel daw ang source at ang kaibigan nitong foreigner, tiyempo namang nasa harapang mesa pala nila ang akres, pamilyar sa kanya ang babae.

"Napansin ng kaibigan ko nginingitian siya nung babae, sabi ko naman, ganun lang talaga siya, public figure kasi siya rito sa atin. Pero nagulat ako, biglang naupo sa table namin si akres (datihan ng artista na hindi pa naman katandaan ang edad), nagpakilala siya sa amin, wala raw siyang kasama, nagpapalipas lang daw siya ng oras dahil may ka-meeting siyang producer at napaaga siya ng dating."

"...nagkuwentuhan at kumain kami. Kinuha niya ng number ng friend ko, ibinigay din siya ang phone number niya. Nagtataka ako bakit ang tagal-tagal na naming nagkukuwentuhan, pero hindi pa rin dumarating ang ka-meeting niya. Nung nakahalata siya, meron siyang tinawagan, ewan kung totong may kausap siya. Hindi na raw makakarating ang kausap niya dahil sumabit sa isang meeting."

Malalim na ang gabi, naghiwa-hiwalay na sila, uwuwi na ang kaibigan ng foreigner at ang lalaki naman ay umakyat na sa kanyang hotel room. Pero may nangyari pala nung gabing yun, kinabukasan na lang nalaman ng kababayan niyang banyaga, magkasama pala ng magdamag ang foreigner at ang akres.

"Grabe, hindi naman pala umuwi yung girl, nandun lang pala siya sa paligid ng hotel, hinintay lang pala niya ako makaalis. Tinawagan niya pala ang kaibigan kong foreigner, magkuwentuhan daw ulit sila, pero sa hotel room ng foreigner huwag na sa lobby."

"Pumayag naman ang friend ko, hanggang sa may nangyari na sa kanila. Ang shocking, siningil niya ang friend ko, $2000 ang hinihingi niyang bayad, pero $1000 lang ang ibinigay sa kanya."

Madalas maging leading lady noon ng mga action stars ang akres na ito, napakarami niyang nakarelasyon, magbanggit kayo ng posisyon ng kahit sino at siguradong merong siyang nakarelasyong ganun ang trabaho. Siya ang kapangalan ng isang batang akres na may serye ngayong ipinaglihi sa hayop.

1 comment:

  1. Anonymous2:30 PM

    1. Si Vice Ganda and lumampaso sa komedyante. pero di ko mahulaan ang comedian? Pokwang?

    2. Melissa mendez?

    ReplyDelete